Wednesday, June 18, 2008

paano mag-suot ng stilettos

a confession: much as i love shoes, di ko kayang mag-suot ng high-heeled shoes na sobrang taas (max height for me is two inches, and chunky ones). lalo na ng mga stilettos. which is really bad, dahil marami sa magagandang sapatos ngayon, ganung style. siguro sabi ng Diyos, maging satisfied na ko sa height ko.

mahina ang sense of balance ko, which is coupled with fear of heights (kahit na matangkad ako). kaya nga kapag me mga hiking sa office teambuilding, lagi akong me buddy na pwede kong hawakan habang pababa o paakyat ng mga bundok. mabagal din akong bumaba sa hagdanan kasi nga takot akong mahulog.

kaya interested ako how people can manage to walk around in really high heels. yung isang friend ko sa graduate school, kaya nyang mag-drive, magshopping at magcover ng rally sa EDSA (journalist kasi sya) ng naka-stilettos. nabasa ko din na merong socialite who shops in "four-inch Pradas". yung mga beauty queens, nakakarampa in those high shoes. bakit ako, hindi?

----------------------------------

isang gabi, me nakasabay ako na couple pauwi.

dahil alam kong sarado na yung bridgeway sa MRT, nag-bus na lang ako pauwi, tapos tatawid na lang ako sa overpass sa guadalupe. sa harapan ko, merong isang couple. yung babae, nakastilettos na sobrang taas, tapos kasama nya yung boyfriend/asawa nya. dahil umiral ang pagiging uzi (usisera) ko, chaka naaliw ako dun sa sapatos nya, pinagmamasdan ko how she walks around in those heels.

nung paakyat sya ng hagdan, di nya sinasayad yung mataas na takong nya dun sa steps. para bang naka-tingkayad sya. so, ganun pala umakyat ng hagdan kapag naka-stilettos, sabi ko sa sarili ko.

nung pababa sya ng hagdanan, napansin ko na nakakapit sya sa boyfriend/asawa nya. ah, so kailangan mo pala ng kakapitan kapag bababa ka ng hagdan at naka-stilettos...

so kapag nag-stilettos ako, kailangang puro paakyat lang ang lakad ko. kasi, wala akong kakapitan kapag pababa na...

Friday, June 13, 2008

habang nagpapalaminate sa national bookstore...

kasama sa mga gawain ko sa opisina ang gumawa ng ID para sa mga reporters namin. that includes scanning the pictures, lay out sa aming press ID form, printing it out at ipalaminate yun.

medyo matagal na yung utang kong ID dun sa bago naming reporter, kaya talagang minadali ko na yung paggawa ng ID nya. kagabi, pinalaminate ko na.

sa national bookstore na matatagpuan sa daan ko pauwi (di ko sasabihin yung branch, kayo na bahalang mag-isip kung san yun...), dun ako usually nagpapalaminate. mukhang napansin na nung taong nagma-man ng laminating station dun ang paglaminate nya ng press ID ng opisina namin, kaya nagtanong sya kung ano ang ginagawa ng opisina namin, with matching kamusta pa kung sino na ang bossing namin (syempre, naging sikat ang ahensyang pinaglilingkuran ko dahil sa NBN na yan). aba, mantakin mo nga naman, intersado pala sya!

dahil nandun na rin ako, naisip ko na iparelaminate yung office ID ko kasi medyo di na maganda yung itsura. kaya tinanong ko sa kanya kung ginagawa din nila yung pagrerelaminate. pinakita ko na din yung ID ko. eto yung conversation namin.

ako: pwede pa bang iparelaminate 'to? (sabay pakita nung ID ko)
mama: pwede pa mam...
ako: sige, next time na lang

mama: ngayon na mam. nandito na kayo e.


(after thinking for awhile, pumayag na ko. habang pineprepare nya yung ID ko...)

mama: mam, kayo ba 'to?
ako: oo

mama (after tumingin sa ID at sa akin): bakit ang tanda nyo dito?

ako (disoriented): kasi matagal na yan
mama (tingin sa kasama nya): okay to a, mas matanda si mam sa picture nya


di ko alam kung gusto nya kong dapat akong maflatter o nagbibiro sya. anyway, after nya ilaminate yung press ID at irelaminate yung ID ko

ako: manong, magkano po lahat?
mama (nagsusulat dun sa form): 12 (yung ID ko) plus 15 (yung press ID). dapat 20 yung 15, pero dahil nagkuwentuhan naman tayo, gagawin ko na lang na 15.

ako: ah okay. thank you po.

mama: welcome. (tapos inentertain na nya yung kasunod ko)


habang nagbabayad ako nung mga pinarelaminate ko, medyo disoriented pa rin ako, dahil siguro di ko ineexpect na makatipid ako o dahil me nagtanong sa akin tungkol sa trabaho ko na isang total stranger (at may alam na sila tungkol sa ahensya namin) o dahil me nangflatter sa akin.

mantakin mo nga naman, nakatipid ako sa pagpapalaminate dahil lang nakapagkuwentuhan ako!

pahabol: skl, me similarity yung mukha nung mama sa lamination station kay andrew wolfe.