Wednesday, July 9, 2008

turning 27

last thursday, i turned 27. opo, mga kaibigan, me birthday din ako.

thanks to everyone who sent their greetings. sa mga nagtext, nag-IM, tumawag, at bumati sa akin ng personal, thanks for making that day special.

sa pamilya ko, salamat sa paghahanda that day. special shout-out sa kapatid kong si ericka, dahil katas ng unang suweldo nya bilang pre-school teacher ang pinang-handa. grabe, super natouch ako, kasi sabi nya sa nanay ko, ipaghanda daw ako kahit konti. as in naiyak ako nung sinabi sa kin ng nanay ko...

hiling ko lang sa inyong lahat, ipagdasal nyo ko. as in. kung bakit, meron akong isang bagay na haharapin which will decide if i will get something i want to get.

----------------------------------

wala naman kasi talaga akong plano magcelebrate ng birthday ko. marami akong dapat bayaran (in short, wala akong pera). marami akong iniisip (kasama na dun yung rason kung bakit ako nanghihingi ng dasal) at ginagawa, kaya wala akong oras para magplano.

i want to celebrate my birthday in peace. wait, mali yun. lemme rephrase that. gusto ko kasi ng isang birthday na wala akong iisipin kung ano ang dapat ihanda, o kaya umasa na me ispesyal na mangyayari. yun bang gusto kong maranasan na ang birthday ko, isang simpleng araw lang sa buhay ko.

--------------------------------

as it turns out, sobrang naging busy ang araw kong iyon. marami akong inayos. mga trabahong ginawa. mga taong kinausap. sabi ko nga kay mae, that was a tiring birthday.

pero keri lang. nagpapasalamat lang ako na umabot ako sa edad na ito. na keri naman ang takbo ng buhay ko, kahit me problema din minsan. nagagawa ko ang mga ginagawa ko. merong mga taong nagmamahal sa akin. may mga bagay na nagpapasaya sa akin.

at importante, meron akong mga taong napapasaya. merong mga taong sinasabing importante ako sa buhay nila. na may sense din pala ako sa mundong ito.

happy birthday to me.