who would have thought the year of the rat will be something to remember?
eto yung naisip ko nung nakita ko na iisang pahina na lang yung nasa desk calendar ko. hindi ko ubos maisip na pwedeng mangyari ang maraming bagay na noong mga nakaraang taon, wala sa hinuha ko na pwedeng mangyari, o kaya kong abutin.
una, ang isang pangarap. matagal ko na syang gustong gawin, pero andaming bagay na nangyayari. maraming readings sa gradschool. mabigat ang trabaho. takot. naghintay pa ako ng isang sign para mag-file ng application. muntikan pa akong hindi umabot sa pagpasa ng requirements. pero pumasa ako sa first part, at naghintay ako kung kelan kukuha ng written exam. nung dumating sya, feeling ko naging persona non grata ako sa opisina dahil mas pinili ko sya kaysa umattend ng christmas party namin.
pero mukhang worth it yun. matapos ang mas matagal na paghihintay, nalaman ko na pumasa ako. kumuha ako ng oral exams. akala ko mas matagal ang paghihintay. who would've expected na makalipas ang halos dalawang linggo, nalaman kong pumasa din ako. psych exam naman. ngayon, hinihintay ko ang resulta.
pangalawa, ang isang pagsubok. alam ko na kailangan ko syang kunin para makuha ko ang degree ko, pero alam din ng lahat kung ano ang mortality rate nito. isang sem ang pinalipas ko para mag-ipon ng lakas. nag-leave ako ng limang linggo sa opisina para paghandaan sya. nagpuyat sa kaka-aral, nagdasal ng sangkaterba, naghanda. naipasa ko yung dalawang exam, sablay sa isa. kukunin ko pa sya sa pebrero. pero sana, yun na yun. maipasa ko na sana, para makuha ko na ang degree ko.
pangatlo, ang mga kawindangan ko. if you get to read this blog closely (at kung isa ka sa mga contacts ko na napapadalhan nito), makikita mo ang iba't-ibang emosyon ng blog na ito. for somebody who has always refused to acknowledge what i feel, this is a big achievement.
feeling ko, iba talaga ang taon na ito. as many would have said, this is one for the books.
Tuesday, December 23, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)