Tuesday, December 23, 2008
year of the rat
eto yung naisip ko nung nakita ko na iisang pahina na lang yung nasa desk calendar ko. hindi ko ubos maisip na pwedeng mangyari ang maraming bagay na noong mga nakaraang taon, wala sa hinuha ko na pwedeng mangyari, o kaya kong abutin.
una, ang isang pangarap. matagal ko na syang gustong gawin, pero andaming bagay na nangyayari. maraming readings sa gradschool. mabigat ang trabaho. takot. naghintay pa ako ng isang sign para mag-file ng application. muntikan pa akong hindi umabot sa pagpasa ng requirements. pero pumasa ako sa first part, at naghintay ako kung kelan kukuha ng written exam. nung dumating sya, feeling ko naging persona non grata ako sa opisina dahil mas pinili ko sya kaysa umattend ng christmas party namin.
pero mukhang worth it yun. matapos ang mas matagal na paghihintay, nalaman ko na pumasa ako. kumuha ako ng oral exams. akala ko mas matagal ang paghihintay. who would've expected na makalipas ang halos dalawang linggo, nalaman kong pumasa din ako. psych exam naman. ngayon, hinihintay ko ang resulta.
pangalawa, ang isang pagsubok. alam ko na kailangan ko syang kunin para makuha ko ang degree ko, pero alam din ng lahat kung ano ang mortality rate nito. isang sem ang pinalipas ko para mag-ipon ng lakas. nag-leave ako ng limang linggo sa opisina para paghandaan sya. nagpuyat sa kaka-aral, nagdasal ng sangkaterba, naghanda. naipasa ko yung dalawang exam, sablay sa isa. kukunin ko pa sya sa pebrero. pero sana, yun na yun. maipasa ko na sana, para makuha ko na ang degree ko.
pangatlo, ang mga kawindangan ko. if you get to read this blog closely (at kung isa ka sa mga contacts ko na napapadalhan nito), makikita mo ang iba't-ibang emosyon ng blog na ito. for somebody who has always refused to acknowledge what i feel, this is a big achievement.
feeling ko, iba talaga ang taon na ito. as many would have said, this is one for the books.
Monday, October 13, 2008
burned out
dateline: butuan city. sinusulat ko ito habang nagfifile ng istorya ang mga reporters na kasama ko sa press tour. in short, nagpapakafeeling journalist ako hehe...
it is final. i am burned out. i am tired. i am stressed. i am operating on emergency power.
at nangyayari ang burn out ko na di pa nagsisimula ang aming press tour dito sa butuan...er, media appreciation seminar pala.
andami nang nangyayari sa buhay ko. andaming hinihintay mangyari. andaming inaasahang pagkakataon. andaming chances that i may have blown. sheesh.
sana naman maging therapeutic sa akin ang isang linggong wala sa opisina for this press tour. pero from the looks of it, mukhang malabong mangyari yun.
hay, kung kelan mo kelangan ng break sa lahat ng bagay, chaka hindi ka pwedeng magswitch-off sa buhay mo...oh well, i asked for it naman. sabi ko, gusto kong maging busy para makalimot sa mga bagay-bagay. di ko naman inakala na talagang busyness naman talaga ako.
hirap talaga ng workaholic. ang hirap makaisip ng paraan para magswitch-off. sa mga kaibigan ko, nananawagan ako. kelangan ko ng opportunity magswitch-off!
Thursday, October 2, 2008
wala akong maisip na title, pero gusto kong mag-blog
from my previous blog entry, parang ambilis ng mga araw.
inaayos ko pa lang yung unang press tour namin sa batanes noon. tapos ngayon, in about a week's time, yung last press tour na namin sa CARAGA (agusan del norte-surigao del norte-siargao island) ang mangyayari. right now, i am confirming participants and finalizing arrangements, at ako ang sasama dun. my turn to be out of the office and into the sunshine of the island further south for a week. kinakabahan na hindi. alam ko astig yung regional office namin, pero kinakabahan pa rin ako sa mga maaaring mangyari. playing secnarios in my head. paranoid, oo, pero ganun yata talaga ako magstrategize. dasal ko, sana mairaos sya ng maayos--wala sanang bagyo o anything that will cancel it, at sana magenjoy ang lahat ng kasama.
during that time of my previous blog entry, kakakuha ko pa lang ng letter from the result i was talking about last entry. iniisip ko pa kung paano ko sasagutan yung CV form at paano ko aayusin yung health certificate na kasama nun. next week, yun na yung exam. that means, during this time next week, tapos na yung second day ng exam. that means, the next day (or should i say, evening), i will be in my filipiniana best (note to self: check on that outfit sa mananahi), to attend the mock diplomatic dinner that is the third exam. dasal ko, sana malampasan ko ito ng maayos, na di ako madapa sa sapatos at damit na suot ko, na sana di ako mabulol o ma-mental block, na sana they will see me worthy to represent the country.
noong sinulat ko yung blog entry na yun, a week just passed from the reason that i went on a five-day leave. numb pa ako ng mga panahong iyon. yun bang ayoko pa syang pag-usapan. pero ngayon, malapit ko nang malaman ang resulta nun (to be exact, at the end of this month). malapit ko nang malaman if i should be looking forward to april of next year, kung makukuha ko yung limang taong pinagpaguran, pinagkastress-an at pinagkagastusan ko. kung magiging masaya ang pasko ko. dasal ko, sana makuha ko sya. sana makamarch na talaga ako sa april. sana mapatunayan ko sa sarili ko na kaya ko pala, na di dapat ako natakot dito.
--------------------------------------
tama nga yata yung kaibigan ko. workaholic ako. better yet, ginagamit ko ang trabaho para malimutan ko ang mga dapat kong katakutan, ang mga isyu na ayaw kong harapin. yun bang ginagamit ko ang mga activities ko para makalimutan ko ang kabadtripan ko sa iba pang activities ng buhay ko.
kunyari badtrip ako sa trabaho. noon, binubuhos ko sa gradschool ang inis ko. that is the time that i am at my prime sa paggawa ng mga papers at reports. tapos kapag badtrip ako sa aral, binubuhos ko naman sa trabaho. work galore, astig sa pagpapakabibo sa opisina. at kung badtrip ako sa pareho, sa yoga ko naman binubuhos ang inis ko. nothing beats ujjai breathing and doing asanas kapag gusto mong malimutan ang inis mo sa di mo matapos na press release at sobrang habang readings.
these days, puro sya trabaho. dahil nga nawala ako ng matagal, the office is compensating. sunod-sunod na assignments. arrange dito, consolidate doon, cover diyan, attend ng meeting dito. meron pang kasamang mga pabor at information gathering mula sa mga bossings at ibang staffs. the days have blended into one major work mode.
kaya ang nangyari sa akin, my body is paying the price. i am currently having the worst PMS on record. yun bang sobrang hirap bumangon sa kama dahil sa sobrang sakit ng katawan at ulo. last monday, nagpasundo ako sa tatay ko mula sa trabaho dahil nahilo ako at sumakit ang ulo ko. yun ngang taong naiiwan dito sa office, nagworry for me kasi amputla-putla ko daw. kelangan ko na daw ng break.
ang problema, kapag work mode ako, di ko alam kung paano magswitch off. para akong energizer bunny--i just keep on going and going, until there is no energy to keep going.
paano ba magswitch-off? at sa mga workaholic na tulad ko, gaano ba kahirap magswitch-off?
Wednesday, September 3, 2008
status: waiting, on hold
i'm back.
after about five weeks of being away from several things (work, friends, life in general) because of preparing for something that needs to be done, and actually doing it. a couple of weeks ago, natapos din sya. and now, i await the results. with bated breath. and i'm still praying and hoping that makuha ko sana yung results na gusto ko. yun bang me rason ako to look forward to april this year, dahil finally, matatapos na rin yung limang taong pinagpaguran, pinagkagastusan at pinanggalingan ng maraming stress sa buhay ko. Lord, sana lang talaga, maipasa ko sya.
---------------------------------
its been two weeks since.
dahil matagal akong nawala, parang andaming nagbago sa mundo. sa trabaho ko, me bago kaming bossing. meron kaming mga bagong trabaho--o mas mapapalalim (o mapapahirap?) ang mga ginagawa namin dahil nga bago ang bossing namin. nanibago ako sa mga paggawa ng mga bagay na dati'y sanay na ko. feeling ko tuloy, sablay ang ibang trabaho ko for the past two weeks.
sa mga happenings, late na rin ang mga alam ko. though i watch the news (dahil kasama sa paghahanda ko dun sa something that needs to be done ang pagiging updated), maraming bagay ang na-miss ko. di ko alam na magcoconcert pala ang eraserheads. me ilang kaibigan akong me mga life-changing na pinagdaanan. andaming blog posts ng mga favorite bloggers ko ang di ko nabasa. para bang tumigil ang buhay ko ng limang linggong naghibernate ako.
pero ganun yata talaga yun. there are things that needs getting used to. right now, i am starting to get my groove back sa mundo. hopefully, mabilis na akong makabalik sa buhay na iniwan ko.
-------------------------------------------------
last week, dumating din ang resulta ng isang pang bagay na hinihintay ko. opo, ako po yung pang-# 9.
alam ko na parating na yung resulta. dapat matagal na yun, pero mukhang busy yung mga dapat maglabas ng resulta kaya last week lang nila nilabas.
nagulat na lang ako sa text ng isang unknown number: "johann, congrats! i'm so happy for you. galingan mo sa orals ah."
syempre, me idea na ako kung ano yun. pero dahil mej skeptical ako, nagtanong ako kung sino sya. dahil antagal nyang magreply, tinawagan ko na. si jed pala yun, gradschool classmate ko na taga-loob ng ahensyang iyon.
totoo nga ang balita!
at ayun, meron pa akong gagawin ulit at pagdadasal na sana matupad sya.
ayush ang buhay ko ngayon, nasa waiting status.
Wednesday, July 9, 2008
turning 27
thanks to everyone who sent their greetings. sa mga nagtext, nag-IM, tumawag, at bumati sa akin ng personal, thanks for making that day special.
sa pamilya ko, salamat sa paghahanda that day. special shout-out sa kapatid kong si ericka, dahil katas ng unang suweldo nya bilang pre-school teacher ang pinang-handa. grabe, super natouch ako, kasi sabi nya sa nanay ko, ipaghanda daw ako kahit konti. as in naiyak ako nung sinabi sa kin ng nanay ko...
hiling ko lang sa inyong lahat, ipagdasal nyo ko. as in. kung bakit, meron akong isang bagay na haharapin which will decide if i will get something i want to get.
----------------------------------
wala naman kasi talaga akong plano magcelebrate ng birthday ko. marami akong dapat bayaran (in short, wala akong pera). marami akong iniisip (kasama na dun yung rason kung bakit ako nanghihingi ng dasal) at ginagawa, kaya wala akong oras para magplano.
i want to celebrate my birthday in peace. wait, mali yun. lemme rephrase that. gusto ko kasi ng isang birthday na wala akong iisipin kung ano ang dapat ihanda, o kaya umasa na me ispesyal na mangyayari. yun bang gusto kong maranasan na ang birthday ko, isang simpleng araw lang sa buhay ko.
--------------------------------
as it turns out, sobrang naging busy ang araw kong iyon. marami akong inayos. mga trabahong ginawa. mga taong kinausap. sabi ko nga kay mae, that was a tiring birthday.
pero keri lang. nagpapasalamat lang ako na umabot ako sa edad na ito. na keri naman ang takbo ng buhay ko, kahit me problema din minsan. nagagawa ko ang mga ginagawa ko. merong mga taong nagmamahal sa akin. may mga bagay na nagpapasaya sa akin.
at importante, meron akong mga taong napapasaya. merong mga taong sinasabing importante ako sa buhay nila. na may sense din pala ako sa mundong ito.
happy birthday to me.
Wednesday, June 18, 2008
paano mag-suot ng stilettos
mahina ang sense of balance ko, which is coupled with fear of heights (kahit na matangkad ako). kaya nga kapag me mga hiking sa office teambuilding, lagi akong me buddy na pwede kong hawakan habang pababa o paakyat ng mga bundok. mabagal din akong bumaba sa hagdanan kasi nga takot akong mahulog.
kaya interested ako how people can manage to walk around in really high heels. yung isang friend ko sa graduate school, kaya nyang mag-drive, magshopping at magcover ng rally sa EDSA (journalist kasi sya) ng naka-stilettos. nabasa ko din na merong socialite who shops in "four-inch Pradas". yung mga beauty queens, nakakarampa in those high shoes. bakit ako, hindi?
----------------------------------
isang gabi, me nakasabay ako na couple pauwi.
dahil alam kong sarado na yung bridgeway sa MRT, nag-bus na lang ako pauwi, tapos tatawid na lang ako sa overpass sa guadalupe. sa harapan ko, merong isang couple. yung babae, nakastilettos na sobrang taas, tapos kasama nya yung boyfriend/asawa nya. dahil umiral ang pagiging uzi (usisera) ko, chaka naaliw ako dun sa sapatos nya, pinagmamasdan ko how she walks around in those heels.
nung paakyat sya ng hagdan, di nya sinasayad yung mataas na takong nya dun sa steps. para bang naka-tingkayad sya. so, ganun pala umakyat ng hagdan kapag naka-stilettos, sabi ko sa sarili ko.
nung pababa sya ng hagdanan, napansin ko na nakakapit sya sa boyfriend/asawa nya. ah, so kailangan mo pala ng kakapitan kapag bababa ka ng hagdan at naka-stilettos...
so kapag nag-stilettos ako, kailangang puro paakyat lang ang lakad ko. kasi, wala akong kakapitan kapag pababa na...
Friday, June 13, 2008
habang nagpapalaminate sa national bookstore...
medyo matagal na yung utang kong ID dun sa bago naming reporter, kaya talagang minadali ko na yung paggawa ng ID nya. kagabi, pinalaminate ko na.
sa national bookstore na matatagpuan sa daan ko pauwi (di ko sasabihin yung branch, kayo na bahalang mag-isip kung san yun...), dun ako usually nagpapalaminate. mukhang napansin na nung taong nagma-man ng laminating station dun ang paglaminate nya ng press ID ng opisina namin, kaya nagtanong sya kung ano ang ginagawa ng opisina namin, with matching kamusta pa kung sino na ang bossing namin (syempre, naging sikat ang ahensyang pinaglilingkuran ko dahil sa NBN na yan). aba, mantakin mo nga naman, intersado pala sya!
dahil nandun na rin ako, naisip ko na iparelaminate yung office ID ko kasi medyo di na maganda yung itsura. kaya tinanong ko sa kanya kung ginagawa din nila yung pagrerelaminate. pinakita ko na din yung ID ko. eto yung conversation namin.
ako: pwede pa bang iparelaminate 'to? (sabay pakita nung ID ko)
mama: pwede pa mam...
ako: sige, next time na lang
mama: ngayon na mam. nandito na kayo e.
(after thinking for awhile, pumayag na ko. habang pineprepare nya yung ID ko...)
mama: mam, kayo ba 'to?
ako: oo
mama (after tumingin sa ID at sa akin): bakit ang tanda nyo dito?
ako (disoriented): kasi matagal na yan
mama (tingin sa kasama nya): okay to a, mas matanda si mam sa picture nya
di ko alam kung gusto nya kong dapat akong maflatter o nagbibiro sya. anyway, after nya ilaminate yung press ID at irelaminate yung ID ko
ako: manong, magkano po lahat?
mama (nagsusulat dun sa form): 12 (yung ID ko) plus 15 (yung press ID). dapat 20 yung 15, pero dahil nagkuwentuhan naman tayo, gagawin ko na lang na 15.
ako: ah okay. thank you po.
mama: welcome. (tapos inentertain na nya yung kasunod ko)
habang nagbabayad ako nung mga pinarelaminate ko, medyo disoriented pa rin ako, dahil siguro di ko ineexpect na makatipid ako o dahil me nagtanong sa akin tungkol sa trabaho ko na isang total stranger (at may alam na sila tungkol sa ahensya namin) o dahil me nangflatter sa akin.
mantakin mo nga naman, nakatipid ako sa pagpapalaminate dahil lang nakapagkuwentuhan ako!
pahabol: skl, me similarity yung mukha nung mama sa lamination station kay andrew wolfe.
Tuesday, May 20, 2008
biting the bullet at isang pamatay na linya
in fairness naman to my hair (ayush, kinakausap ang buhok!), di naman sya problema. makapal at maganda pa rin sya (methinks i got the good genes, hair-wise). di ko kinailangan magparebond or magpastraight kasi naturally straight ang buhok ko. sa umaga, shampoo at suklay lang, keri na (minsan nga, wala pang suklay hehe!). dahil busy ako, di ko sya nacoconditioner. sabi ko nga, siguro my hair has a life on its own. pinapabayaan ko lang sya at nagkakasundo naman kami.
but for the past few days, parang ambigat na ng aking below the shoulder hair (mahirap din pala ang makapal ang buhok). mej kinukulang na ko sa shampoo ko at minsan ang init ng pakiramdam ng anit ko. tapos ang tindi pa ng init the past few days. tapos it has been almost a year since nagpagupit ako. kaya ayun, nagdecide akong magpagupit.
kaya lang nung nagpunta na ko sa aking friendly salon, sarado na pala sya. nagpunta na kasi yung may-ari (at official manggugupit ko) sa canada. kaya naghanap ako ng bagong stylist.
at nahanap ko sya sa katauhan ni amir. sya yung stylist sa david's salon sa crossing na suki ng pinsan ko, ng mommy nya (tita ko) at nanay ng mommy nya (lola nya). nung saturday, i finally bit the bullet at nagpagupit. eto yung resulta (mej malabo yung pic kasi camera phone lang yung ginamit kong pangkuha). para better yung idea, eto yung before. strangely enough, pareho yung shirt ko sa mga kuhang ito...
from this shot in boac, marinduque (left), my hair is now almost chin length (right). bagay ba?
------------------------------------------------------------------
recently, kausap ko yung isang friend ko. meron daw syang chatmate na mej gusto syang maging SO. finorward nya sa kin yung isang conversation nila, at sobrang tumatak sa'kin itong linyang ito na sinabit sa kanya ng chatmate nya habang kinukukit sya sa IM kung pumapayag itong friend ko na maging sila:
"i want us to happen..."
ayush no? parang linya sa teleserye o sa pelikula. sabi nga ng kapatid ko nung nabanggit ko itong linya sa kanya, kalevel daw ito ng mga linya sa teleserye tulad ng "our love...it was the best" (celine, maging sino ka man) o kaya ng "i wish i knew how to quit you!" (jack, brokeback mountain).
di ko alam kung kikiligin ako o mandidiri ako nung kinukuwento sa kin yung context na sinabi nung chatmate nya sa kanya yun. sabi ko sa kanya, dapat kiligin ako pero dahil rare ako kiligin these days, the cynic in me takes over at nandidiri ako instead. brutal ko no?
ganun na ba talaga ako ngayon? di na ko marunong kiligin sa mga simpleng bagay? has the cynic in me already took over and that i look at supposedly romantic words/gestures to be corny and contrived?
in short, nagiging sobrang cynical na ba ako tungkol sa pag-ibig?
Wednesday, April 16, 2008
ang yoga sa buhay ko
in my daily life, nakatulog din ang yoga. for example: (pasyensya na po sa spelling at sa aking alternate terms. di ko pa rin ganun kamemorize yung ibang names ng asanas e).
- yung ujjai breathing (contracting your belly muscles and your anus, while putting your tongue at the roof of your mouth and producing a hissing sound as you breathe), nakakatulong sa pagbalance ko sa MRT lalo na kapag maraming tao at wala kang mahawakan. just ensure that your legs can support you (spread them a little bit apart), and prepare for the sudden motions ng MRT (kapag aandar na sya or titigil na), pwede ka nang wag humawak sa handrails. look ma, no hands!
- nakakatulong din yung ujjai breathing to calm yourself, lalo na sa stress ng traffic (i had one gradschool friend try it when we were driving home. nagwork sa kanya) o kaya kapag naiinis ka na sa ginagawa mo o sa kinakausap mo. kamtutinkopit, nakakatulong talaga that you relax and take a deep breath sa mga stressful situations.
- yung mga forward bends (prasaritas) and the side bends, i use it when i clean or do other things sa bahay. kapag me mga winawalis o pinupunasan ako sa mga masisikip or tricky spots, onting luhod at bending, keri na. nakakatulong din sya when lifting and carrying heavy stuff, or when you pick up stuff off the floor and you want to maintain your poise.
- yung meditation part ng yoga, nakakatulong sya when i just want to let my thoughts fly. me mga panahon kasi that i dwell on things, especially on my mistakes. it is liberating that when you let your thoughts fly (usually kapag shavasana or yung nakahiga na kami to rest), and think of random things. it helps me remember things i have/want to do, remember what i want to eat (me time na naisip ko na gusto ko pala ng chicken nuggets sa McDo. weird no?) or figure out stuff that boggles you.
not to mention that after each session, you feel relaxed and rested. ang sarap matulog sa gabi. and that loose and flexed up body (chaka yung weight loss) can't also be beat. ang sarap!
Monday, March 31, 2008
in a rut
there's no joy, no enthusiasm, no excitement. blah.
"di ako masaya. kailangan ko ng inspirasyon. kailangan ko magkaroon ng rason para sumaya" is a frequent line to cubbyhole buddy and officemate mitch for the past few weeks.
my day usually goes this way: wake up, prepare for work, work, have lunch, work some more, go home, have dinner, sleep.
like this blog, i'm in a rut. and despite this blah existence, i do hope things would go better.
---------------------
i crave for some excitement. something to make me look forward to waking up everyday.
i miss the old me. the me that wakes up with a smile on my face, despite possible issues and blowups. the me that looks at life with so much enthusiasm and positivity. the me that despite everything, can still find things to smile about.
--------------------
don't get me wrong, though. i am thankful for everything i have. i thank Him for my life, for my family, my friends, my job, my things.
i am thankful that i managed to put my sister to college. and she graduated last week.
i am happy that despite the financial difficulties, me and my family is surviving, and surviving really well.
i am glad that there are things and situations that allows me to learn things about life. on how to push myself to the limit. on how my mistakes made me what i am.
i am thankful for the everyday that i get to learn about life and the things that can make me a better person.
but, i am in search for something exciting. something that can make going through life great again. something that can make me bolt out of bed, walk around the office whistling, make me excited for the next day.
---------------------
i try not to be pulled down by all the negativity. things happening to people and institutions around me. controversies and intrigues that we face almost everyday here at the office. the defeated and defeatist attitudes of most people.
and i feel that these issues are getting to me. i find myself being eaten up by all the negativity.
the patch adams in me is slowly being eaten away. and i don't like the feeling.
--------------------
on a lighter note, congratulations are in order for jennifer for passing the bar exams. yehey, me abugado na kami sa block!
Thursday, February 14, 2008
i *heart*....
since i don't have much to share during these times (romantic relationships-wise), lemme share you some of my loves:
i *heart*
1. shoes. when i started earning my own keep, i realized my inner carrie bradshaw. i loove shoe shopping (thankfully, a few stores carry my shoe size). i have this habit of looking at people's shoes. my comments to people are usually, "ang ganda ng sapatos mo!". i'm not a compulsive buyers--otherwise, i might turn into an imelda marcos!
2. psychedelic shades. i love eyewear, especially shades. i especially love them when they come in colors other than black or brown--i have them in blue, yellow and pink, and i plan to buy them in green. or in any shade that is not really normal.
3. vietnamese food. that's why i miss palawan sooo much. imagine getting a chao long (noodle stew) for less than PhP100. or that super delish coffee shake? or that french bread? sheesh...put me in a plane to palawan!
4. reading and writing. if i only got the time and the real talent like the people in my blog links, it'll be great. and if i can only get the time and the money to really invest in books, i'll be one happy clam.
5. lazing around the house. may it be sleeping, watching television, texting or just reading, i am at my element with lying on my back, flipping through channels or pages, exercising my thumbs or just snoozing. i am a homebody, a couch potato and damned proud of it! these days, i rarely get to do that, though...
6. breaking a sweat. i know, #3 and this one are contradiction of terms. but doing aerodance, or yoga (or recently, jogging around ultra) gives me that adrenaline high and that light feeling. and my clothes show it. yee-haw!
7. my family. even if we usually disagree on several things (i am fiercely independent, they want me to check in every now and then, for instance), but i'll do anything for them. as in!
8. getting something done. and not giving up. may it be a gradschool paper, a press release for work or a challenging puzzle, that sense of achievement can't be beat.
9. surprising people. i have this wicked sense of surprising people with something i know or something i can do. especially if it shows how strong, smart and fiercely independent i can be. magbuhat ng tubig sa dispenser? kayang kaya!
10. you reading my entry. and telling me what you *heart* what'cha waiting for? tell me what you love!
happy valentines' day everyone--with or without a special someone. you get what i mean.