Wednesday, June 18, 2008

paano mag-suot ng stilettos

a confession: much as i love shoes, di ko kayang mag-suot ng high-heeled shoes na sobrang taas (max height for me is two inches, and chunky ones). lalo na ng mga stilettos. which is really bad, dahil marami sa magagandang sapatos ngayon, ganung style. siguro sabi ng Diyos, maging satisfied na ko sa height ko.

mahina ang sense of balance ko, which is coupled with fear of heights (kahit na matangkad ako). kaya nga kapag me mga hiking sa office teambuilding, lagi akong me buddy na pwede kong hawakan habang pababa o paakyat ng mga bundok. mabagal din akong bumaba sa hagdanan kasi nga takot akong mahulog.

kaya interested ako how people can manage to walk around in really high heels. yung isang friend ko sa graduate school, kaya nyang mag-drive, magshopping at magcover ng rally sa EDSA (journalist kasi sya) ng naka-stilettos. nabasa ko din na merong socialite who shops in "four-inch Pradas". yung mga beauty queens, nakakarampa in those high shoes. bakit ako, hindi?

----------------------------------

isang gabi, me nakasabay ako na couple pauwi.

dahil alam kong sarado na yung bridgeway sa MRT, nag-bus na lang ako pauwi, tapos tatawid na lang ako sa overpass sa guadalupe. sa harapan ko, merong isang couple. yung babae, nakastilettos na sobrang taas, tapos kasama nya yung boyfriend/asawa nya. dahil umiral ang pagiging uzi (usisera) ko, chaka naaliw ako dun sa sapatos nya, pinagmamasdan ko how she walks around in those heels.

nung paakyat sya ng hagdan, di nya sinasayad yung mataas na takong nya dun sa steps. para bang naka-tingkayad sya. so, ganun pala umakyat ng hagdan kapag naka-stilettos, sabi ko sa sarili ko.

nung pababa sya ng hagdanan, napansin ko na nakakapit sya sa boyfriend/asawa nya. ah, so kailangan mo pala ng kakapitan kapag bababa ka ng hagdan at naka-stilettos...

so kapag nag-stilettos ako, kailangang puro paakyat lang ang lakad ko. kasi, wala akong kakapitan kapag pababa na...

2 comments:

Anonymous said...

Try to make one particular posture as natural as feasible.
Online courses also provide baby boomers the chance to learn something new.
Of course, there are plenty of professionals who never attended a single class, so it's
up to you to decide what works best for your career.



Here is my site - digital photography for dummies

yanmaneee said...

goyard
fila
kd 11 shoes
jordan shoes
fitflops sale clearance
golden goose sneakers
yeezy shoes
longchamp handbags
nike air max 97
cheap jordans