for the longest time, gusto ko nang magpagupit.
in fairness naman to my hair (ayush, kinakausap ang buhok!), di naman sya problema. makapal at maganda pa rin sya (methinks i got the good genes, hair-wise). di ko kinailangan magparebond or magpastraight kasi naturally straight ang buhok ko. sa umaga, shampoo at suklay lang, keri na (minsan nga, wala pang suklay hehe!). dahil busy ako, di ko sya nacoconditioner. sabi ko nga, siguro my hair has a life on its own. pinapabayaan ko lang sya at nagkakasundo naman kami.
but for the past few days, parang ambigat na ng aking below the shoulder hair (mahirap din pala ang makapal ang buhok). mej kinukulang na ko sa shampoo ko at minsan ang init ng pakiramdam ng anit ko. tapos ang tindi pa ng init the past few days. tapos it has been almost a year since nagpagupit ako. kaya ayun, nagdecide akong magpagupit.
kaya lang nung nagpunta na ko sa aking friendly salon, sarado na pala sya. nagpunta na kasi yung may-ari (at official manggugupit ko) sa canada. kaya naghanap ako ng bagong stylist.
at nahanap ko sya sa katauhan ni amir. sya yung stylist sa david's salon sa crossing na suki ng pinsan ko, ng mommy nya (tita ko) at nanay ng mommy nya (lola nya). nung saturday, i finally bit the bullet at nagpagupit. eto yung resulta (mej malabo yung pic kasi camera phone lang yung ginamit kong pangkuha). para better yung idea, eto yung before. strangely enough, pareho yung shirt ko sa mga kuhang ito...
from this shot in boac, marinduque (left), my hair is now almost chin length (right). bagay ba?
------------------------------------------------------------------
recently, kausap ko yung isang friend ko. meron daw syang chatmate na mej gusto syang maging SO. finorward nya sa kin yung isang conversation nila, at sobrang tumatak sa'kin itong linyang ito na sinabit sa kanya ng chatmate nya habang kinukukit sya sa IM kung pumapayag itong friend ko na maging sila:
"i want us to happen..."
ayush no? parang linya sa teleserye o sa pelikula. sabi nga ng kapatid ko nung nabanggit ko itong linya sa kanya, kalevel daw ito ng mga linya sa teleserye tulad ng "our love...it was the best" (celine, maging sino ka man) o kaya ng "i wish i knew how to quit you!" (jack, brokeback mountain).
di ko alam kung kikiligin ako o mandidiri ako nung kinukuwento sa kin yung context na sinabi nung chatmate nya sa kanya yun. sabi ko sa kanya, dapat kiligin ako pero dahil rare ako kiligin these days, the cynic in me takes over at nandidiri ako instead. brutal ko no?
ganun na ba talaga ako ngayon? di na ko marunong kiligin sa mga simpleng bagay? has the cynic in me already took over and that i look at supposedly romantic words/gestures to be corny and contrived?
in short, nagiging sobrang cynical na ba ako tungkol sa pag-ibig?
Tuesday, May 20, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
bumata ka ng ilang taon sa bago mong buhok. true nga na nakakabata ang pagpapagupit. :)
pamatay nga nga linya! hehehehe naks."i want us to happen..."
replica louis vuitton bags p49 v4y81c8y72 buy replica bags m87 f5t17i8g15 best replica bags online a85 b0u39h7t22
Post a Comment