Thursday, March 26, 2009

when it rains, it pours

andaming nangyayari sa akin for the past few months.

una, nakuha ko na yung sulat mula sa DFA (department of foreign affairs). i am now appointed as a FSO (foreign service officer), class IV. nakalakip doon sa sulat ang transmittal letter mula kay ES (executive secretary) Ermita, at ang appointment letter namin na pirmado ni PGMA.

ibig sabihin, naipasa ko ang isa sa pinakamahirap na exam sa sangka-gobyerno. ibig sabihin, i am at the doorstep of my dreams to be a diplomat. ibig sabihin, dininig ni Lord at ni Mama Mary ang mga panalangin ng mga nakapaligid sa akin.

ibig sabihin din, i have to make a choice. i have to choose between following my dreams immediately or staying behind for a year (me deferment option kasi kami na isang tao) and have a long kiss goodbye to the agency that i owe a lot, professionally man o personally.

magiging ingrata ako kung hindi ko isisigaw sa mundo sa dami ng natutunan ko sa ahensyang ito. it has trained me to do something that i didn't study in college. it has made me know and learn things that i couldn't get anywhere. it has made me meet people that i wouldn't be meeting kung hindi dahil sa trabaho ko. most importantly, it has made me believe that there is hope in government, that there are people who can just work hard (walang lagay, walang issue) to make things work better for everyone.

i also met people that i finally am comfortable with, yun bang ka-wavelength mo sa maraming bagay. yung pwede mong kuwentuhan ng kahit ano, at maiintindihan nila yun. yung pwedeng katawanan at katrabaho in equal measure. yung alam mong mamimiss mo.

ngayon pa lang, namimiss ko na ang lahat ng ito...

--------------------------------------------

pangalawa, nakausap ko na kanina yung taga-polsci. its official (well, until i get the letter though): makakagraduate na ko. may MA na ko. i could add to my resume: graduate: MA International Studies.

alam ng marami kung ano ang pinagdaanan ko to get this. blood, sweat, tears (as in literal na tears. ilang beses na akong umiyak para dito!), tulog, money, time, social life, opportunities--yun ang mga ininvest ang sinakripisyo ko para pumasok sa klase, magresearch para sa mga reports at papers, at mag-aral para sa mga exams. nagleave ako para makapag-aral para sa comprehensive exams. limang taon ng buhay ko ang inilaan ko para dito.

kaya nung malaman ko na naipasa ko na din yung part ng compre na nasablay ko when i took it last august, kulang na lang e magpaparty agad ako sa opisina. feeling ko nabingi yung kasama ko sa cubicle ko sa tili ko. buti na lang din, walang tao sa opisina at walang nagmemeeting sa conference room sa tabi, kundi napagalitan ako.

woo-hoo! gragraduate na ko! Thank You, Lord!



2 comments:

ekstranghero said...

wow. minsan ko ring hinangad na matapos ang aking pag-aaral sa ating kolehiyo, inasam-asam din ang maging FSO, ngunit nabigo.

ang galing mo. :-) mabuhay ka!

art said...

di naman ibig sabihin na pag umalis ka sa opisina mo ngayon, ingrata ka na. tao pa rin naman ang pagsisilbihan mo. di na tayo bumabata. at matagal bago ka mapost abroad. might as well transfer now.